Album: Trip

May, may naririnig
akong bagong awitin
at may may naririnig
akong bagong sigaw
Hindi mo ba namamalayan?
wala ka bang nararamdaman?
Ika ng hangin na
Humahalik sa atin:
"panahon na naman
ng pag-ibig
panahon na naman
aahh
panahon na naman
ng pag-ibig
gumising ka
tara na"
Masdang maigi ang mga
mata ng bawat tao,
nakasilip ang isang
bagong saya
at pag-ibig na dakilang
matagal nang nawala,
kumusta na?
nariyan ka lang pala
maligayang pagbalik, pag-ibig, sa puso ng bawat tao

Comments